UAAP: UE BINANGASAN NG NU

Kinapitan ng defending champion National University si Rhena ­Itesi para kalusin ang University of the East 69-64 sa labanan ng unbeaten teams sa PCABL Dickies Cup sa Buddhacare gym sa Quezon City.

Nirehistro ni Itesi ang 22 points mula sa 7-of-14 shooting sa field at naka­damba ng 23 rebounds para itulak ang Lady Bulldogs sa fifth straight win.

Bukod sa target na pahabain ang pamama­yagpag sa UAAP sa apat na taon, nakatuon ang NU sa elimination round sweep kontra La Salle sa susunod.

Bumakas sina Janeth Sison at Ria Nabalan ng 14 at 12 markers sa Lady Bulldogs.

Nagtala si Ruth ­Tacula ng 23 points para sa Lady Warriors na nalasap ang unang kabiguan sa limang salang.

Inakbayan naman nina Tin Caranto at Steff Ventura ang Centro Escolar University para itaob ang Ateneo Lady Eagles 59-56 at pagandahin ang karta sa 3-2.

Pinasan nina Mariz Cacho at Grace Alcoy ang Adamson at kinalos ng Lady Falcons ang La Salle 71-69.

Nilista ng Lady Falcons ang pangalawang panalo sa anim na laro, may 2-3 card ang Lady Archers.