Pinahaba pa ng titleholder National University ang winning run sa 35 games, huling biktima ang ginutay na Adamson 85-53 sa UAAP Season 79 women’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Nagsabwatan sina Gemma Miranda at reigning MVP Afril Bernardino para maglista ng pinagsamang 46 points para sa Lady Bulldogs.

Malinis pa rin sa tatlong laro ang NU

Nagbaba pa si Miranda ng 13 rebounds.

Sa isa pang laro, tinambakan din ng University of the East ang University of the Philippines Lady Maroons 69-51.

Kinubra ng Lady Warriors ang pangalawang panalo sa tatlong laro sa likod ng 20 points, 11 rebounds, two assists, two steals at two blocks ni Love Sto. Domingo.

Laglag sa 1-2 ang Lady Falcons, hindi pa nakakatikim ng ‘W’ sa tatlong salang ang Lady Maroons.