Ubas itatanim sa Mars

Kilala ang bansang Georgia sa pagtimpla ng iba’t ibang klase ng alak partikular na sa ubas.

Pero hindi lang sa klase ng kanilang alak sila makikilala ngayon kundi mas lalo pa silang sisikat sa oras na matupad ang plano nilang magpatubo ng ubas sa planetang Mars.

Sa ulat, ayon na rin sa astrobiologist na si Marika Tarashvili, may nadiskubre na silang bacteria ng halaman na puwede nilang ibaon sa lupa sa nabanggit na planeta.

Hindi ito imposible, ayon naman kay Tusia Garibashvili, founder ng Space Farms dahil kapag nakatuntong na ang tao sa red planet ay hindi malayong matupad ang kanilang imbensyon at mga plano.