UE management, coach sinisisi ni Chongson

Tapos maligwak sa 82nd UAAP seniors basketball tourney 2019 Final Four ang UE Red Warriors nitong Linggo, nais ni active consultant Lawrence Chongson na malutas ang matagal nang ‘di pagpasok nila sa semifinals.

“Ako naman I came here, not thinking long term. I’ll be honest with that. ‘Di naman talaga ko dapat ‘yung coach ‘di ba? ‘Di naman forced. Let’s face it, you get one-and-done pulling right away, 10 years na nga ‘di nag-final four, ‘yun din talaga ‘yung gusto naming i-solve,” aniya.

Pinunto rin ni Chongson ang kakulangan ng management sa long term program para sa Recto-based hoopsters.

“Long term, with UE’s history wala naman talagang long term ang UE eh. They changed coaches just like they changed their clothes.”

Sa kasalukuyan, nasa 3-9 mark ang University of the East.

“Try nila instead of changing coach, change the management din. Everybody is maybe active in good faith, hopefully. It’s just that if you put the steering wheel sa wrong kind of a driver, chances are they drive you off the cliff. Not to say, that I want to stay ‘di naman iyon ang inaano ko rito.”

Gayunman, mayroon pang dalawang labang no bearing ang Red Warriors, FEU Tamaraws sa darating na Oktubre 27 at NU Bulldogs sa Oktubre 30. (JAT)