Ular binida ang Letran vs EAC

Ular binida ang Letran vs EAC

Iniskor ni Renato Ular ang 13 sa 19 points niya sa second half upang pabalikwasin mula sa first half 15 points down ang Colegio de San de Letran at matimbog ang Emilio Aguinaldo College, 91-89, sa 95th National Collegiate Athletic Association seniors basketball tournament first round eliminations Martes nang gabi sa Filoil Flying V Centre, San Juan.

Ang tikas ni Ular ang nagkaloob sa kanya ng best player of the game kahit si Jerrick Balanza ang aktuwal na namayag-pag sa opensiba ng CSJL Knights sa 22 points, kabilang ang pito sa third period kung saan pasabog dito ng 30 ang team na nagpalamang sa kanila.

Natapyas ng Instramuros-based squad ni coach Bonnie Tan ang ika-4 na dikit na panalo sa limang asignatura para patuloy na buhulan sa tersera sa standings ang Lyceum of the Philippines University na 80-69 winner sa San Sebastian College sa identical 4-1 win-loss slates.

Gulong sa fifth spot ang Baste sa 2-1 habang sampa sa sixth ang Jose Rizal University sa 2-3 na winisikan ng third straight loss ang University of Perpetual Help via 71-66 decision.

Ang iskor:

CSJL 91 — Balanza 22, Ular 19, Batiller 17, Muyang 16, Yu 8, Mina 5, Caralipio 2, Ambohot 1, Javillonar 1, Olivario 0, Reyson 0, Sangalang 0, Balagasay 0.

EAC 89 — Taywan 25, Gonzales 13, Maguliano 10, Luciano 8, Dayrit 7, Tampoc 6, Mendoza 5, Martin 5, Gurtiza 2, De Guzman 2, Boffa 2, Corilla 2, Cadua 2.

Quarters: 15-20, 38-48, 68-65, 91-89. (Aivan U. Espicope)