Basag ang bungo ang isang 48-anyos na lalaki matapos siyang magulungan ng isang bus sa kahabaan ng Brgy. Quibaol, Lingayen, Pangasinan noong Martes.

Ang biktimang namatay doon din ay si Lito Atiwen, ng Brgy. Hacienda, Bugallon ng nasabing lalawigan.

Kinilala ang biktima na si Lito Atiwen, 48, residente ng Brgy. Hacienda, sa bayan ng Bugallon, na namatay noon din.

Sa imbestigasyon ng BPS, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima nang banggain at masagasaan siya ng isang bus sa pakurbang bahagi ng kalsada sa Brgy. Quibaol, ng nasabing bayan.

Base sa imbestigasyon ng BPS, agad na namatay ang biktima at halos hindi na makilala pa matapos mabasag ang kanyang ulo.

Napag-alaman na walang suot na safety helmet ang biktima nang mangyari ang aksidente. (Allan Bergonia)