Bahagi ng isang magandang samahan ang tampuhan.

Lumalawak lang ang gawak kasi hindi maiiwasan na may mga sumasawsaw. May nagpaparating ng mga maling kuwento. Sa huli, dagdag-bawas na ang mga salita.

Mayroon pong mga bagay na hindi talaga magtutugma. Normal lang at natural na may nag-aaway.

Tulad din po ‘yan ng away-politika sa aming lugar sa Third District ng Negros Occidental. Pero wala namang hindi nareresolba sa maayos na usapan.

Kaya nagpapasa­lamat ako sa aking mga kapwa Bisaya sa aming lalawigan dahil isinantabi nila ang mga personal na alitan o kumpitisyon para sa iisang layunin – ang pagbuklurin ang a­ming mga rehiyon sa Visayas at maiangat ito para sa pantay na pagtrato mula mismo sa gobyerno.

Dahil dito, hindi na lalabanan ni dating Talisay City Mayor Eric Saratan si Incumbent Mayor Neil Lizares dahil pumayag na siyang maging second nominee sa Abang Lingkod party-list at first nominee naman si Rep. Stephen Paduano.

Inendorso rin ng inyong lingkod, kasama si Vice Governor Eugenio Jose Lacson ang tambalan nina Silay City Mayor Mark Golez at Acting Mayor Tom Ledemar para sa pagka-mayor at vice mayor.

Hindi na rin sasagupain ni Board Member David Albert Lacson ang pinsan niyang si incumbent Murcia Mayor Andrew Montelibano para PB member dahil tatakbo siyang vice mayor ng E.B. Magalona na runningmate ni incumbent Mayor Marvin Malacon.

Nagka-ayos na po ang magpinsan mula sa tampuhan nila noong nakaraang eleksyon.

Ang kapatid ko naman po na si Dr. Francisco Benitez ang papalit sa aking puwesto bilang kinatawan ng aming distrito.

Ang ultimate goal po namin sa One Visayas ay kapayapaan at kaayusan mula sa aming mga lider ng aming mga lalawigan. Lahat po tayo ay may karapatang tumakbo at magsilbi sa ating bayan, lalo na sa mga mahihirap.

Nagpapasalamat po ako dahil nagtagum­pay tayo na pagbuklurin ang mga tigasin ng Visayas.

Dumaan man ang panahon na hindi sila nagpansinan at nag-usap, nakatutuwa na mas binigyan nila ng bigat ang layunin nila para sa kabutihan ng mga tao na naging susi ng kanilang pagkaka-ayos.

Respeto sa isa’t isa at pagmamahal sa mga taong umaasa ng pagkalinga ang password para itapon ang mga tampuhan at alitan.

Para sa bayan, wala pong matigas na tinapay, lahat ay lumalambot sa mainit na kape.