Umabuso sa ECQ: Meralco, coop pagmumultahin ng ERC

Nagbabanta ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa mga distribution utilities (DUs) tulad ng Manila Electric Company (Meralco), mga may-ari ng planta ng kuryente, at mga electric cooperatives na paparusahan nito ang mga lumalabag sa direktibang inilabas ng komisyon na may kinalaman sa enhanced community quarantine.

Sabi ng ERC, hindi ito magdadalawang isip sa pagpaparusa sa mga DUs na naging pabaya sa pagsunod sa mga advisories nito at sa mga DUs na sadyang nilabag ang kautusan nito.

Giniit pa ni ERC chair Agnes VST Devanadera na may tala ang komisyon sa lahat ng mga reklamo sa mga DUs tungkol sa labis-labis nilang paniningil lalo na ng panahon ng ECQ.

“We are noting down and keeping records of all the complaints we have received against DUs’ alleged high billings during the ECQ, and we are sternly warning them that we will not have second thoughts to penalize those DUs who have been remiss or defiant of our orders,” sabi ni Devanadera.

Ilan sa mga direktiba ng ERC sa mga DUs ay ang pagbibigay ng grace period sa mga tao sa pagbayad ng kanilang bill sa kuryente at installment singilin ang mga bayarin. (Eileen Mencias)