Umaway kay Mocha nagpakita ng ‘bird’ — Joey de Leon

Nakakuha ng kakampi ang dating PCOO assistant secretary na si Mocha Uson sa katauhan ng comedian at ‘Eat Bulaga’ host na si Joey de Leon.

Nagkita kasi sila ng DDS supporter at sexy actress sa GenSan airport kamakailan.

Masayang ipinost nito ang kanilang photo together sa social media kung saan tila nagpahaging siya sa kanyang mortal na kritiko na si Jim Paredes na kila­lang ‘dilawan.’

Ito ang naging hirit ni Mocha sa kanyang post: “Nagkita ulit kami ni Tito Joey sa Gensan airport naman. ‘Sabi niya kay Pia, ‘alam mo, mabait naman yang si Mocha. Yung mga umaaway sa kanya nagpapakita ng bird.’ ‘Tito Joey talaga.”