Nasawi ang isang motornapper na nakipaghabulan sa mga pulis pagkaraang umiwas sa police checkpoint sa ­kahabaan ng Maharlika Highway ­sakop ng Brgy. Bayanihan, Gapan City, Nueva Ecija.

Sa ulat ni P/Supt. Ponciano ­Zafra ng Gapan police, namatay ang ‘di pa kilalang salarin sa may NIA road, Brgy. Mangino, matapos iwasan ang inilatag nitong Oplan Sita noong Martes ng madaling-araw, at paputukan ng baril ang mga tumugis sa kanyang pulis na gumanti ng putok sa suspek.

Natuklasan na ang motor na ginamit ng suspek ay inagaw nito mula sa dalawang lalaki na tinutukan ng baril ng salarin nang gabing iyon.