Pinaiiwas muna ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pagpunta sa mga matataong lugar gaya ng mall, concert at malalaking event na inaasahang dadaluhan ng maraming tao dahil na rin sa banta ng 2019 novel coronavirus.

Nabatid na naglabas ng advisory na pirmado ni Health Secretary Francisco Duque III na isinapubliko kahapon kung saan pinayuhan ang publiko laban sa pag-organisa ng malalaking pagtitipon at inirekomenda ang pagkansela sa mga naiplano ng event o mass gathering.