Libo-libong sabungero ang pipila sa air-conditioned at 10,000-seat Roligon Mega Cockpit para sa grand finals ng “Hatawan Sa Tag-Ulan 5-Cock Derby” tampok ang 120 sultada ngayon, Huwebes, Agosto 8.

“Rain or shine, the derby will start early. Please come on time,” pahayag ni host at Roligon CEO Dennis Ligon.

Sa mga umiskor ng 3-0 (panalo -talo), dalawang panalo pa ang kailangan sa 2-cock finals ngayon upang makuha ang kampeonato at puwede rin ang insurance bet.

Limang panalo naman ang aasintahin ng mg bagong kalahok na nagpasok ng straight five cocks.

Nauna nang sumabak sa finals ang mga umiskor ng 1, 1.5, 2 at 2.5 noong Huwebes (81 sultada) na matatandaang dinumog ng mga sabungero.

Premyong limang milyong piso ang paghahatian at sigurado na sa P100,000 ang champion handler at gaffer, P70,000.

Sa detalye: 519-7345 (Roligon office), 0920-950-9090 (Shirley) at 0926-713-4069 (Tiling). (Enjel Manato)