Umutang ng droga binoga: Tumepok sa kababata timbog

Arestado ng pulisya ang 25-anyos na pumaslang sa kanyang kababata dahil sa hindi umano nabayarang utang sa iligal na droga, sa Payatas, Quezon City kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Renielle Punzalan, most wanted ng Manila Police District (MPD) residente ng Brgy. Payatas A, Quezon City. Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na nilabas ni Presiding Judge Ma. Teresa Abacilla ng RTC Branch 45, City of Manila noong Enero 27, 2020

Itinuturo ang suspek bilang bumaril at nakapatay sa kanyang kababatang si Robin Roland Relango, 24, noong Disyembre,2019.

Nabatid na isang taong nagtago si Relango dahil sa nadispalko umano nito ang pera mula sa pinagbentahan ng iligal na droga at nang lumutang siya ay nagkita sila ni Punzalan.

Niyaya ni Punzalan si Relango, at sa kanyang pag-aakala na nakalimutan na ng una ang kanyang utang ay nagpaunlak ito na pumunta sa bahay ng suspek .

Sa loob ng bahay nang singilin ni Punzalan si Relango at nang walang maibayad ay saka binaril ang biktima.

May tama na umano ng bala ang biktima nang magawa pang makalabas ng bahay ng suspek at nagsumbong sa ama ng “Tay..tay binaril ako ni Renielle.”

Dinala pa sa pagamitan ang biktima pero nabigo na maisalba ng doktor ang biktima

Tumakas naman si Punzalan at di na nagpakita mula noon hanggang sa maaresto ng mga pulis.(Juliet de Loza-Cudia)