UN “break-up” klinaro ng Palasyo

ernesto-abella

Nilinaw ng Palasyo ng Malacañang na hindi tuwirang kumakalas ang Pilipinas sa United Nations (UN).

Binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na nais lamang igiit ng Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang national sovereignty nang magbanta na kakalas na ang ‘Pinas sa UN.

“We are not decoupling. I said, it was a statement that he simply stating the fact that the Philippines is a sovereign nation,” paliwanag ni Abella sa isang press briefing kahapon.

Nauna nang ­nagbanta si Presidente Duterte na babawiin ang membership ng Pilipinas mula sa UN kaakibat ng pagpuna ng international body sa extra judicial killings na ikinakabit sa administrasyong Duterte na may koneksyon pa rin sa giyera laban sa iligal na droga.

“It was a statement of sovereignty. We have to take the context within the conversation with the press. This is all the matter of explaining, as a sove­reign nation, we cannot be meddled with,” dagdag pa ni Abella.