May panibagong banat ang United Nations (UN) kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa ipinapatupad ng mahigpit na paglaban sa ipinagbabawal na gamot.
Nabatid na Sa 33rd session ng Human Rights Council, sinagot ni UN High Commisssioner Zeid Ra’ad Al Hussein ang mga pahayag ni Duterte para ipagtanggol ang kanyang kampanya laban sa iligal na droga.
Sinabi ni Al Hussein na ang mga pahayag ni Duterte ay patunay lamang ng kakulangan nito ng pang-unawa sa tungkulin ng mga human rights institution at prinsipyo ng ligtas na lipunan.
Iginiit din nito na ang isang “fair and impartial rule of law” ang pundasyon ng isang ligtas at maayos na komunidad.
Ang pagbibigay aniya ng kapangyarihan sa mga pulis na patayin ang mga pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga ay mistulang pagmamaliit sa sistema ng hustisya sa isang bansa.
Sa panig naman ng Department of Foreign Affairs (DFA), handa umanong ipagtanggol sa UN human rights council ang anti-illegal drugs campaign ng bansa.
Ayon naman kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella na bilang isang abogado at dating prosecutor, batid ni Pangulong Duterte ang limitasyon ng kapangyarihan at awtoridad nito bilang Presidente ng bansa.
Sa mga taga UN doon mo sabihin sa Syria, Iraq at afghanistan doon lahat pinapatay ng mga ISIS at taliban, nililinis lang ni DU30 ang dumi ng mga nagdaang administrasyon na wala ni isang nagkusa na pigilan ang paglaganap ng droga kaya lumala ang kriminalidad sa Pinas.
ang tanong natin sa mga CHR bakit wala kayong ginawa gtnang silangan sa eypht daan daang pinatay na mga ralista noong 2013 sa rabiah tapos walang nangyari tapos sa syria bata sibelyan pnapatay saan sila ngayon itatama in degong ang pinas mga tiwali at drug sendekit sinira nila ang pinas magsasalita sila sa karapatan ng tao
ETONG MGA TAGA UN LUTANG YATA ANG UTAK…HAHAHA! HINDI MAKAINTINDI ANG LINAW NG UTOS NI P. DIGONG…BINABAGO NILA MAKAGANTI LANG BA… KASI HINDI NILA KAYANG BILUGIN ANG ULO NI P. DIGONG….PAKSHET UN!!!
Mali ang pagka intindi…Ang sabi ni DUTERTE sa mga pulis..kung sinong lumaban barilin..hindi iyong pagbibigay ng kapangyarihan sa mga pulis na patayin ang mga pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga..EH D SANA UBOS NA ANG MGA ADIK AT TULAK SA PILIPINAS…