UN natuwa sa imbitasyon ng Palasyo

agnes-callamard

Nagpahayag ng pagkatuwa si United Nations (UN) Special Rapporteur on Extra-Judicial Killings Dr. Agnes Callamard sa imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtungo ng Pilipinas para imbestigahan ang nangyayaring extrajudicial killings sa buong bansa.

Ngunit sinabi ni Callamard na hindi pa nito natatanggap ang kopya ng sulat na ipinadala ng Malacañang.

Hinihintay pa ng UN rapporteur ang opisyal na kumpirmasyon ng official channels.

“Welcome media report on invitation to visit #Philippines to investigate #EJK. Waiting for the letter and confirmation by official channels,” twitter post ni Callamard.

Una nang sinabi ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na naipadala na kay Callamard ang sulat ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Sa kanyang sulat na may petsang Setyembre 26, inimbitahan ni Medialdea si Callamard na personal nitong alamin kung ang mga batikos ay may legalidad .

”We are confident that whatever reports, papers or data you may have been furnished with you for your perusal and consideration by your immediate predecessor have not swayed you into prejudging the situation in the Philippines,” bahagi ng imbitasyon na ipinadala sa naturang UN official.