Hinimok ni Sen. Leila de Lima ang administrasyong Duterte na pormal na magpadala ng imbitasyon kay United Nations (UN) Special Rapporteur on the Human Rights of Internally Displaced ­Persons (IDPs) Cecilia Jimenez-Damary upang personal na ­masiyasat ang kalbaryo ng mga mama­mayan na apektado ng krisis sa Marawi.

Sa pamamagitan ng inihaing Senate Reso­lu­tion (SR) No. 455, nana­wa­gan ito sa Department of Foreign Affairs (DFA) na imbitahan si Jimenez-Damary upang malaman nito ang kalbaryo ng mga ‘bakwit’ o evacuee na maaari pang tumagal o lumala dahil sa extension ng Martial Law sa Mindanao hanggang sa katapusan ng ­Disyembre.

Bilang legal protector ng mga Filipino, binanggit ni De Lima na ang gobyerno ay may responsibilidad na itulak ang impartial investigation sa pamamagitan ng independent commission tulad ng UN Special ­Rapporteur.

One Response

  1. Shut up, Senator Delima. You don’t know what you are talking about. Wow. What is your purpose? We know what you want to do for saying such. Sarili mong bahay papasiyasat mo sa mga outsiders? That is stupidity by all means. Inaayos naman ng Presidente anuman ang problema bakit kailangan pang mangdamay ng mga outsiders?! Kayo talagang mga LP kahit kailan ay pahirap sa taumbayan ang laman ng kokote niyo! Kaya shut up, Delima. Wag ka nang epal dyan sa selda mo.