Welcome na welcome sa administrasyong Duterte kung magsusugo man ng kinatawan ang United Nations (UN) para imbestigahan ang sinasabing extra-judicial kil­lings (EJK) na ikinaka­wing sa inilunsad na giyera kontra iligal na droga.

Inihayag kahapon ni Presidential legal adviser Salvador Panelo na nakahanda ang administrasyong Duterte na maki­pagtulungan kung magpapadala ng representatives ang UN para imbestiga­han ang mga kaso ng EJK.

Mas mainam na ani­ya ito kaysa naman pabigla-bigla ng pahayag ang UN kaya tila nagmumukha tuloy kontrabida ang mga ito sa hakbang na ginagawa ng Pangulo sa puspusang pagsugpo laban sa bawal na gamot.

“Ever since naman sinasabi na welcome kayo (UN) ‘di ba ‘yun nga ang sinasabi ni Presidente Duterte pumunta kayo dito kasi nang makita ninyo kung ano nangyayari dito. Hindi basta ura-urada nagsasalita kayo ng kontra ‘yan ang sinasabi nya eversince e,” reaksyon ni Panelo nang uriratin kahapon kung handa ang Duterte admin na maghatag ng kooperasyon sa UN sakaling im­bestigahan ang diumano’y nangyayarin­g EJK.

Iginiit pa ng Malacañang official na hindi kinukunsinti ng gobyerno ang summary killings.

One Response

  1. UN..WALA YAN SA MGA NAMATAY SA WAR NINYO SA IBAT IBANG BANSA… WAG NYO MUNANG PAKIALAMAN BANSA NAMIN SA NGAYON DAHIL MAY INTERNAL PROBLEM KAMI SA DRUGS…GUSTO NAMIN MAGING DRUG FREE ANG BANSA NAMIN…GUSTO NAMING MAUBOS ANG MGA DRUGLORD AT PUSHER NA ADIK SA BANSA NAMIN…KAYA WAG MUNA KAYONG UMEPAL DYAN!!! KUPALHAR KAYO!!