Kung gaano sumiklab ang galit ng mga netizens sa viral video ng pagpatay sa isang biker sa Maynila, nagngingitngit pa rin ang mga ito nang kumalat na ang balita kahapon ng umaga kaugnay ng pagkakaaresto sa suspek na si Philippine Army reservist Vhon Tanto sa lalawigan ng Masbate.

Marami sa mga netizens ang nanawagan na unahin umano si Tanto na isampol sa death pe­nalty upang hindi na umano dumami pa ang mga katulad nito.

Sa Facebook page na nakapangalan kay Phi­lippine National Police (PNP) Director Gene­ral Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, kung saan naka-post ang litrato ni Tanto kasama ang ilan sa mga umaresto sa kanya, ay pinuna rin ng ilang netizens kung bakit hindi ito nakaposas gayung idineklarang “armed and dangerous” matapos na magtago sa loob ng ilang araw bago naaresto sa Masbate.

Samantala, sa isang press conference kagabi, sinabi ni Dela Rosa na makakatanggap ng “villains welcome” si Tanto pagdating nito sa Maynila upang harapin ang mga kasong isasampa laban sa kanya.

Inihayag din ng PNP chief na ibibiyahe kagabi si Tanto pabalik ng Maynila at may mga escort na kasama ito.

Inaasahan aniyang darating ang mga ito ngayong Sabado ng umaga sa Manila Police District (MPD) kung saan isasalang si Tanto sa inquest proceedings.

“Pagdating niya dun bukas ay puntahan natin. We will give him a villain’s welcome. Not a hero’s welcome, but a villain’s welcome,” paha­yag ni Dela Rosa.

Inaabangan na rin sa MPD headquarters sa Uni­ted Nations Avenue, Maynila ang pagdating ni Tanto na naaresto dakong alas-11:40 ng umaga kahapon sa Brgy. Mangat, Mi­lagros, Masbate ng mga miyembro ng Philippine Army-Intelligence Group kasama ang lokal na pulisya.

Ayon kay Senior Ins­pector Rommel Anicete, hepe ng MPD-Homicide Section, kaagad na isasampa ang kasong murder at frustrated murder laban kay Tanto sa Manila Pro­secutor’s Office kaugnay sa pagkamatay ni Geralde at malubhang pagkasu­gat ng stray bullet victim na si Rocell Bondoc, 2nd year phy­sical therapy student ng Universidad De Manila. (With Juliet de Loza-Cudia)

12 Responses

  1. ..bitay na yan…please……. kaya dapat talaga ibalik ang parusang kamatayan..kung ano ang inutang ang cxa rin kabayaran…. murder kasi e, hindi naman homicide yan…

  2. Huwag mag-feeling VIP kapag nagda-drive ng kotse.
    Huwag ituring na kaaway ang mga nasa kalsada dahil kapag nadisgrasya ka walang ibang tutulong sayo kundi kapwa mo motorista at mga taong nasa kalsada.
    Gamitin lang ang baril kapag nanganganib ang buhay hindi sa nanganganib ang pride.

  3. oh, ayan ha! Meron ka pang Villain’s Welcome mula kay Gen. Bato. VIP treatment ka na nyan, baka mag-reklamo pa CHR nyan at sabhin nila hindi ka inasikaso nang maayos… hehehe. Good luck na lang sa’yo

      1. totoo ang sinabi mo igan..ang alam kase nito ay mangurot at sumabunot ng buhok at magtatataray…paki tingin nga kung mayroon lipstick sa nguso at labi…

  4. mas binigyan mo ng importante ang bago mong kotse kaysa sa pamilya mo,pumatay kasi akala mo nagitgit kotse mo,suggestion ibigay ninyo sa mga biktima ang bago niyang kotse,yabang pakiramdam siguro hindi siya makikilala