Unahan kay kamatayan

Mistulang nag-una­han ng pagbunot ng baril ang mga ­awtoridad at isang drug pusher sa bulilyasong drug ­operation sa Punta, Purok 2, Brgy.76-A, Bucana, Davao City kamakalawa.

Pinamunuan mismo ni Chief Insp. Ronald Lao, station commander ng San Pedro Police ang operasyon kung saan nakilala ang nasawing suspek na si Jonathan Apolinario Calustre alyas ‘Tan-tan’, 35, ng Sta. Cruz, Agdao ng nasabing siyudad.

Base sa report, sinasabing nagmatigas ang suspek sa pagsuko matapos malamang pulis ang kanyang katransaksiyon.

Una umanong bumu­not ng baril ang suspek kaya inunahan na ng ­operatiba na naging dahilan nang kanyang pagkamatay.

Na-recover sa crime scene ang shabu na nagkakahalaga ng P10,000, marked money at .38 revolver na may apat na live ammunitions.