Game 3 ngayon: (Smart Araneta Coli­seum)
7:00 p.m. — Ginebra vs. SMB

Walang kurapan ang Ginebra at San Miguel Beer sa isa’t isa mamaya para sa ­parehas na misyon na 2-1 lead sa Game 3 ng PBA ­Governors Cup best-of-five semifinal playoffs sa Smart Araneta Coliseum.

Nasalag ng ­Beermen ang second-half ­rally ng Ginebra nung ­Miyerkules sa Game 2 para matungga ang 95-92 win. Naglaho na naman ang 16-point lead ng SMB at nalama­ngan pa pero kumapit sa dulo para iganti ang 115-105 Game 1 loss.

“Game 1 was a clear indication that we did not play defense. I hope this win gives us momentum for Game 3,” wika ni Beermen coach Leo ­Austria.

Aksidenteng ­nasiko sa second period ni ­Elijah Millsap sa kanang kilay kaya naglarong may ­benda si June Mar Fajardo, pero nakatapos pa rin ng 18 points at 23 rebounds para sa SMB. Naglista ng team-best 25 points si Millsap.

Mapuwersang bumu­welo si LA Tenorio sa tinagay na 22 points, umayuda ng 18 points at 22 rebounds si Justin Brownlee sa Ginebra.

Sa dalawang laro, ma­tamlay sa first half ang Ginebra bago ­gigising pagbalik mula sa break.

“We didn’t start focused. We’re kampante coming from our Game One win. As a group, we’re still learning to play a series,” usal ni Gin Kings coach Tim Cone.