Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
1:00 p.m. — Air Force vs. Pocari Sweat
4:00 p.m. — Power Smashers vs. BaliPure
6:30 p.m. — Creamline vs. Perlas

Nakasalalay sa Air Force ang tsansa ng Power Smashers at Perlas na makakuha ng outright semifinals berth sa 2017 Premier Volleyball League Reinforced Conference.

Isang slot na lang ang natitira matapos mahablot ng BaliPure ang isang tiket noong Martes nang talunin ang Creamline.

Haharapin ng Lady Jet Spikers ang defending champion Pocari Sweat na nasa second spot ng team standings sa 6-3 card.

Solo sa unahan ang Water Defenders (7-2), habang magkasalo sa third ang Power Smashers at Spikers (5-4).

Nasa ilalim ang Air Force pasan ang 1-8 baraha, pang-lima ang Cool Smashers, (3-6) sa event na may six-team double round robin.

Magkatapat sa second game ang Power Smashers at Water Defenders, main game ang Cool Smashers at Perlas.

“Puwede pa sa semis kaya lang hindi ako satisfied sa ginalaw ng mga players, iba na ang labanan kapag nasa semis kana,” wika ni Power Smashers head coach Nes Pamilar.

Sakaling magkaroon ng tie sa 6-4 para sa outright semis slot, ipatutupad ang FIVB tiebreak rule.