Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. — NLEX vs. GlobalPort
7:00 p.m. — Mahindra vs. Ginebra

Karera sa important seventh win ang mainit na Ginebra at Mahindra sa paglapit sa top two finish na may twice-to-beat advantage sa playoffs, ii­lawan ng NLEX at GlobalPort ang dumidi­lim na mga paghahabol sa Last Eight.

Sa dalawang slambang games ito mamaya na magpapatuloy sa nasa homestretch nang PBA Governors’ Cup na balik-Smart Araneta Coliseum.

Nasa second spot ang Gin Kings (6-2) at ka-tie sa third ang Enforcer (6-3). Nasa triple-tie sa se­venth ang Road Warriors (4-5) at nasa 10th ang Batang Pier (3-6).

Galing sa back-to-back wins at 11-day rest ang Ginebra, latest victim ay ang Star, 116-103. Ang Mahindra ay 1-1 sa last two games at mula sa 103-88 defeat sa Rain or Shine.

Nakikilala ang Mahindra bilang giant killer at kabilang sa mga biktima ang tatlong Grand Slam teams na San Miguel Beer, Star at Alaska kaya seseryosohin ni Tim Cone ang katapat.

“Mahindra is tough. There is no two ways to look at it. They’re just tough. They play great defense and they get great movement on offense,” anang Gin Kings coach. “They fell a little out of character last game, but we expect them to be at the top of their game when they play us.”

Sa unang pagkakataon sa season-ending confe­rence ay ipapasok ni Cone ang galing injury na si Greg Slaughter.

Para sa counterpart niyang si Chris Gavina, dehado man, may game plan din para ituloy ang kagila-gilalas na panonorpresa ng two-year-old franchise.

“Hard work, team work, and togetherness will be the factors that will help us come out with a victory against crowd favorite Ginebra,” sabi ng lead assistant coach ni Manny Pacquiao.