So sad naman itong narinig nating balita sa Ospital ng Malabon.

Isang mudra ang nag-ingay sa Facebook dahil sa inabot ng kanyang may sakit na anak sa Ospital ng Malabon.
Sa Facebook post ni Jamie Laurenti Angeles noong Marso 15, 2019, dinala aniya niya ang kanyang anak sa Ospital ng Malabon noong Biyernes ng gabi dahil sa pagsusuka.

Ilang oras na aniya silang naghihintay pero walang dumarating na doktor para suriin ang anak niyang namumutla na.
Ang malupit, kitang-kita umano ni Angeles ang mga nurse sa ospital na nagdadaldalan lang umano at hindi sila inasikaso kaya nagpasya na silang lumipat sa Tondo Medical Center (TMC) kung saan ay agad na nalapatan ito ng lunas.

Dahil sa post ni Angeles, marami ring nagkomento at inireklamo ang inabot sa ospital na nasa ilalim ng pamamahala ng pamahalaang lokal ng Malabon.

Kaya sana matapos na ang ospital na inanunsyo kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malabon para may matatakbuhan na ang mga residente.

Mapupurnada at masasayang pa yata ang todo-todong paghahanda para masiguro ang kaayusan sa idaraos na South East Asian Games (SEAG) sa bansa sa Nobyembre hanggang Disyembre ng taong ito.

Paano ba naman, mukhang may dalawang unos, este pagbabago pala sa ating palakasan para magdala ng gulo, este reporma raw.

Tama ba itong ipinadpad sa akin ng masamang hangin, este papainit na simoy ng hangin na lang na may plano umanong mag-takeover sina William ‘Butch’ Ramirez ng Philippine Sports Commission (PSC) at Prospero ‘Butch’ Pichay ng Philippine Olympic Committee (POC) sa Philippine South East Asian Games Organizing Committee (Phisgoc)?
Malaking bakit kaya? Bakit magkakaganun?

Ang tanong eh bakit papasok sila sa teritoryo ng Phisgoc at saka bakit kailangang mangyari ito eh ngayon pa lang ay pinaplantsa na ang mga programa rito eh.

Sa totoo lang, parang mas makagugulo yata ang mga ganitong bulung-bulungan na nanggagaling daw sa kampo mismo ng dalawang Butch. Ano ito, mind programming?

Ang sabi, nagsimula itong pumutok nang mailipat ang P5 bilyong budget sa PSC.

Ang nakakatakot sa alingasngas na ito, ang dalawang Butch ay nasangkot na dati sa mga kaso ng graft.
Nagkataon at nagkatagpo na pareho pa ang pangalan ng magdadala ng unos, este, pagbabago sa sektor ng palakasan Naku. Baka pati integ­ridad ng bansa natin eh mabahiran ng mga kaso nila.

Nakakahiya sa mga mamamayan, pati sa mga sponsor na nagbigay ng tiwala sa Phisgoc.

Dapat exciting at masaya ang SEA Games ‘di ba? Dapat ay positibo ang pananaw natin dito para makopo ng mga atleta natin ang mga gold medal.

Pray natin na hindi sana totoo ang naibulong sa akin. Huwag naman po please?