Mayroon ng kauna-unahang babaeng brigade commander ang Philippine Army (PA) matapos ang appointment ni Col. Joselyn Bandarlipe.

Ayon kay PA spokesperson at Public Affairs Office chief Lt. Col. Ramon Zagala, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang designation ni Bandarlipe bilang comman­der ng 53rd Engineering Brigade sa Lapu-Lapu City, Cebu.

“Our very first, no­ting that women are now playing important roles in the military,” pagmamalaki ni Za­gala.

Ayon kay Zagala, si Bandarlipe ay isang engineer at isa sa 819 women officer ng mahigit 3,400 enlisted women personnel ng 97,000-strong Army.
“They (women) are an integral part of the Philippine Army, they have a role to play. Co­lonel Bandarlipe will now command the engineers, she has a role to play – to dig wells, to build communities,” saad ni Zagala.

Ayon pa kay Zagala, noong mga nakaraang panahon, ang babae ay hanggang sa reserve rank lang ng PA at technical service lamang ng Women’s Auxi­liary Corps.

Subalit noong 1993 ay pinayagan na ang mga babaeng sundalo na magsanay sa mga mga combat solider sa Pilipinas matapos ang pagkakapasa ng Republic Act No. 7192 o ang Women in Development and Nation Building Act at binigyan ng karapatan ang mga babae na makapasok sa Philippine Military Academy (PMA).

Matatandaang noong 2011 ay nahirang bilang unang babaeng brigadier gene­ral si Ramona Go at nagsilbi bilang assistant deputy chief for personnel bago nagretiro sa serbisyo. (Edwin Balasa)