Unang batch ng fast test kits na donasyon galing China dumating na

Dumating na sa Maynila ang may 2,000 fast test kits pangontra sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na galing sa China.

Sa isang statement, sinabi ng Chinese Embassy na pauna pa lamang ang 2,000 na kits at darating pa sa mga susunod na araw ang iba pang tulong mula sa China.

Ang high-tech fast test kits na gawa umano ng China BGI Group ay may kakayahan na malaman ang resulta ng test sa loob lamang ng 3 oras.

“The kits have not only been widely used in China’s battle against the epidemic and proven to be quite effective, but also been exported to more than 50 countries including Japan, Thailand, Brunei, Egypt, Peru and UAE,” ayon sa Chinese Embassy kung saan ang donasyong test kits at naisagawa umano sa pamamagitan ng Chinese Embassy in the Philippines at ang China Mammoth Foundation.

Sinabi pa ng Embahada na mula nang pumutok ang paglaganap ng COVID-19 ay naging bukas ang linya ng komunikasyon sa pagitan nina China President Xi Jinping at President Rodrigo Duterte.

“In light of the epidemic situation in the Philippines, the Chinese government and people, greatly sympathizing with the Philippine side, are very willing to lend a helping hand. China has been sharing our hard-won anti-epidemic experiences, carrying out close medical experts-level cooperation with the Philippine side.”

Una na ring nagpasalamat ang China sa Pilipinas sa pakikisimpatiya nito sa sitwasyon ng China sa gitna ng outbreak, ang pasasalamat ay personal na ipinaabot umano ni Chinese State Councilor and Foreign Minister Wang Yi sa isang tawag sa telepono kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin.

Sa naging telephone call ay siniguro umano ni Wang kay Locsin ang tulong ng Chinese government sa Pilipinas para labanan ang paglaganap ng COVID-19 kabilang na rito ang pagbibigay ng mga kinakailangang mga medical materials gaya ng test kits, protective clothing at pag-dispatch ng medical experts. (Tina Mendoza)