Hindi pa man tulu­yang naipapasa ang panukalang pagbuhay sa parusang bitay ay may puwesto na si Pangulong Rodrigo Duterte na pagdarausan ng bitayan sakaling makalusot ito sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“Ngayon, kung sa panahon ko, kapag na-sentensiyahan ka ng death penalty, gawin na lang kitang kurtina diyan sa Fort Bonifacio, by hanging,” pahayag ng Pangulo patungkol sa lugar kung saan niya gustong unang gawin ang pagbitay nang kapanayamin ng media sa Cagayan De Oro nitong Biyernes.

Binigyang-diin pa ng Pangulo na kaya walang nangyari noong panahong may death penalty pa ay dahil walang Pangulong nagsabing ipatutupad ang parusang kamatayan.

“Eh, walang Presidenteng may kursunada eh, kung ako noon eh ‘di naubos sila. Ngayon, we had only about 600 plus convicts na kandidato—who were candidates for the death penalty sentence or judgment, tinanggal iyon. Ngayon, it has shot up by something like almost 63 percent—something,” ayon pa kay PDu30.

Ikinalungkot ng Pangulo ang nangyari sa Pilipinas kung saan ay nawala aniya ang paggalang sa batas.

“… ang nawala dito iyong takot ng tao sa batas. Kaya everybody was into it. Now, here comes the argument, nandito iyong death penalty noon at wala naman nangyari, walang pinatay. Eh, kasi walang Presidente… nagsabi siya na i-implement niya iyong death penalty,” ayon pa kay Pangulong Digong.

Binanggit pa ng Pa­ngulo na noong tinanggal ang death penalty ang dapat na nakalinyang bitayin ay nasa 6,000.

“Alam mo na wala talaga sa panahon natin ang takot sa batas. Kay sa panahon namin, ‘pag sinabi iyan na huwag kang ano diyan kasi nga hulihin ka ng pulis, takot talaga tayo but ngayon wala eh. ‘

“That’s why tingnan mo iyong comparison, sabi niya, It was not really a substantial thing there in the freedom Court because nobody was dying—nobody was being killed,” sabi pa ni Duterte.

12 Responses

  1. Ang lakas ng boses ng mga ito, na sumigaw ng Bitay, eh! baka aso lang hindi mo kayang patayin…Galing-galingan…..punta ka sa salamin..pagmasdan mo ang sarili mo..makikita mong isa kang demonyo…Hindi si DU30..ang tinutukoy ko..IKAW!!!

  2. DEATH PENALTY SHOULD BE UP SA PHILIPPINES,LIKE ANY ANOTHER COUNTRY SO YUN MANG BOANG GAN SA PHILIPPINES MABITAY NA NO MERCY SHIT ?

  3. sana wish ng nakakarami.. dapat pag maisabatas na ang death penalty dapat ang pinaka unang bibitayin naka hilira sila si CHR GASCON NA BADING, CHR TAE ROSALES, DELIMAWMAW AT ANG SUNDALONG KANIN itong mga salot at pesting animal na mga ito ito sila ang dapat mabura sa kasaysayan ng pilipinas dahil ito yung salot, peste, tae animal at protector ng kawpa nila mga animal…kaya dumadami ang mga salot sa lipunan kasi sila ang hero nila…

  4. Kasama ba sa bibitayin ang mga ASG? O baka naman mga small time criminal lang? BTW hindi nga pala mga kriminal ang mga ASG, mga negosyante pala, kaya kapag binigyan ka ng taning, sigurado yun gugulong na ang ulo.

  5. KAYONG MGA HUMAN RIGHTS ACTIVISTS, SAAN KAYO NOONG MAY GINAHASA AT PINATAY NA MGA BIKTIMA??? IBIG NINYONG SABIHIN NA MAY HUMAN RIGHTS ANG MGA KRIMINAL SA ATING BANSA???

  6. Lintek na mga human rightists na yan!
    Punta sila sa Middle East magsawa sila dun ng human rights nila!
    Geh nga! Bakit busal bunganga nyo sa mga violations dun ng human rights?