Kinumpirma ni Mayor Justin Marc Chipeco na mayroon nang isang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Calamba City, Laguna.
Sa maiksing pahayag na inilabas ng alkalde sa kanyang official Facebook page nitong Miyerkoles, sinabi na si Calamba COVID-19 Patient 1 ay nakatira sa barangay ng Canlubang.
Ayon pa kay Chipeco, nagsasagawa na ng contract tracing ang mga personnel ng pamahalaang lokal gayundin ang mga health worker dito para matukoy kung sino-sino ang mga taong nakasalamuha ni Calamba COVID-19 Patient 1.
Naging panuntunan na ng mga awtoridad na sumailalim sa self-quarantine ang mga taong nakasalamuha ng isang nagpositibo sa virus para na rin sa kaligtasan ng publiko laban sa paglaganap ng COVID-19.