Unang COVID testing lab sa Calabarzon binuksan

Inaprubahan na ng Department of Health (DOH) ang pagbubukas ng kauna-unahang molecular laboratory sa Calabarzon na may kakayahan sumuri sa COVID 19.

Ang naturang molecular laboratory ay matatagpuan sa loob ng compound ng Ospital ng Imus, sa Imus City, Cavite.

Ang naturang laboratory ay may dalawang Polymerase chain reaction or PCR machine at may kakayahan sumuri ng 400 test kada araw. (Gene Adsuara)