Unang Olympic gold sapol — PSC

SEAG Core Group, bubuuin ni Butch

Optimistiko si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez na makakamit ng Pilipinas ang pinakahihintay na pinakaunang gintong medalya ng bansa sa kada apat na taong Olympics na kung hindi makakansela ay isasagawa Hulyo 24 hanggang Agosto 9 sa Tokyo, Japan.

Sinabi ni Ramirez na ibibigay ng kanyang ahensiya ang buong suporta sa bawat atleta na magkukuwalipika sa pinakaprestihiyosong torneo sa sports sa buong mundo upang tuluyang matighaw ang matagal na panahong pagkauhaw ng bansa sa mailap na gintong medalya.

“We already have a plan for them (Olympic qualifiers),” sabi ni Ramirez, na kinilala bilang Sports Executive of the Year sa paggiya sa kanyang ahensiya tungo sa pagsungkit sa overall title sa nakali- pas na 30th Southeast Asian Games kasama ang kanyang apat na commissioner at depu- ty chef de mission.

Umaasa din si Ramirez na mas malaking delegasyon ng atleta ang kanilang maipapadala sa Tokyo kumpara sa huling 13 na sumabak at nag-uwi ng isang pilak noong 2016 Rio de Janeiro Olympics. Isa na rito ang hangad ng PSC na mas maaga ng dalawang linggo na mag-tungo ang Team Philippines sa Tokyo upang mai- wasan ang mga posibilidad ng disqualification at makapasa sa quarantine at health check requirements sa torneo dahil sa nagaganap na COVID-19 pandemic.

“We had a discussion concerning the Olympic athletes who qualified. The (PSC) Board’s consensus is we might send them two weeks ahead of their planned qualification tournament just to ensure that we are doing our quarantine procedure,” sabi lamang ni PSC Chief of Staff at Philippine Sports Institute (PSI) Director Marc Velas- co. (Lito Oredo)