Jakarta — Nagkasya ang Filipino Japanese judoka na si Kiyomi Watanabe para sa unang silver medal ng Pilipinas Huwebes nang gabi matapos na yumuko kay Nami Nabekura ng Japan, 10-0, sa gold medal match sa women’s -63 kg sa 18th Asian Games judo competition dito sa Jakarta Convention Center Plenary Hall.
Ang world ranked 19th na si Watanabe ay nagawang ma-off-balance sa unang minuto ng laban sa world ranked no. 3 na si Nabekura para sa waza-ari at maghabol ng isang puntos sa apat na minutong balibagan.
Hindi rin nadepensahan ni Watanabe ang ikalawang atake ni Nabekura na nagtulak dito para ma-pinned down sa loob ng 10 segundo sa natitirang 3:21 minuto ng laban para sa ikalawang waza-ari na nagtulak para makumpleto nito ang buong puntos at mamayani sa pamamagitan ng Ippon.
“Coming to this, I am the challenger,” wika ng 22-anyos na Sports Science student sa Waseda University sa Tokyo. “We had a game plan but I was so nervous before the game and could not execute. I know her because we often met in tournaments in Japan but she is now much stronger than me because she often competes,” ani Watanabe.
Si Watanabe, na nasa kanyang ikalawang Asian Games kung saan una itong tumapos na ika-pito sa 2014 Incheon Asian Games, ay nakuntento at masaya na sa kanyang medalyang napanalunan at makatulong sa kampanya ng bansa Asiad.
“I don’t have medal in my first Asian Games. I am so happy with this medal. I hope to continue playing for the Philippines,” aniya pa.