Unang tiket sa finals kinubra ng F2 Logistics

Sinunkit ng F2 Logistics ang unang tiket sa finals matapos patalsikin ang Generika-Ayala 21-25, 25-15, 25-20, 19-25, 15-5 kagabi sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Muntinlupa Sports Center.

Nagsanib puwersa sina Cha Behag, Ara Galang at Aby Marano sa diciding fifth set upang akbayan sa best-of-three finals ang Cargo Movers.

Nagtala si Behag ng 17 points, 13 galing sa spikes habang 14 kills at isang service ace para sa 15 markers ang inambag ni Galang sa event na suportado ng Isuzu, Mikasa, Asics, Senoh, Mueller at UCPB.

Nagtala naman si Marano ng 16 markers.