Nakapagtala na ng unang positibong kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa Biñan City, Laguna.

Ayon sa Biñan City Public Information Office, kinumpirma ito mismo ni Mayor Arman Dimaguila nitong Lunes ng umaga.

Ang nagpositibo ay isang 58-anyos na lalaki na residente ng Bngy. San Francisco.

Wala namang sinabi kung may travel history io sa ibang bansa o local transmission lamang.

Ito na ang ikatlong kaso ng COVID-19 sa Laguna kung saan ang dalawang nauna ay mula sa Sta. Rosa City sa mga barangay ng Macabiling at Tagapo.(Ronilo Dagos)