UNBEATEN RUN PAHAHABAIN

STANDINGS 

TEAMS W L
Mahindra 3 0
TNT Katropa 3 0
Ginebra 3 1
San Miguel 3 1
Rain or Shine 2 1
Meralco 2 2
Alaska 1 2
Blackwater 1 2
NLEX 1 2
Star 1 3
Phoenix 1 3
GlobalPort 0 4
 
Games ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. — NLEX vs. TNT Katropa
7:00 p.m. — Alaska vs. Mahindra

Pahahabain sa four consecutive  ng TNT Katropa at Mahindra ang unbeaten run bago mag-28th All-Star Weekend sa pakikipagsalpukan sa mga babawi na NLEX at Alaska sa Oppo PBA Governors’ Cup elims mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Walang lukso ng du­gong mamamagitan sa TNTK (3-0) at NLEX (1-2) sa 7:00 p.m. pagkatapos ng paghahamok sa 4:15 p.m. nang nanonorpresang Mahindra (3-0) at Alaska (1-2) bago PBA All-Star extravaganza simula bukas hanggang Linggo tampok ang North vs. South All-Star Game.

Nakalusot uli ang TNTK sa Alaska, 120-118, noong Biyernes sa Ynares Sports Center at tumabla sa tuktok sa Mahindra, na huli namang sinilat ang holder San Miguel Beer sa nagdaang Myerkules, 105-103.

Ayaw paliyamado ng Texters coach sa sister team maski bitbit ang three-game winning streak kumpara sa huli na nasa back-to-back losses latest ang 85-72 decision sa Ginebra anim na araw na ang nakalilipas.

“It’s been three tough games, all three went down to the wire,” giit ni Jong Uichico na 101-98 at 98-95 winners din ang kampo laan sa Rain or Shine at Meralco.

Nasa franchise-best conference start sa ila­lim ni lead assistant coach Chris Gavina, napaghahakbangan din ng Enfor­cers ang Star, 100-92, overtime at GlobalPort Batang, 108-98, para makalapit na lampasan ang 4-7 win-loss finish sa midseason Commissio­ner’s Cup.

 “Our goal is to make the playoffs, that would be a first for our franchise,” pahayag ni Gavina, na hinirit na ni-reactivate ng management si playing-coach Manny Pacquiao mula sa injured reserve list kapalit ni LA Revilla, na nabasag ang ilong sa praktis.

“With Alaska its all about keeping pace with their transition and ­handling their pressure,” hirit pa ng Stevens Institute of Technology (Hoboken, New Jersey, USA)-Athletic Hall of Famer kung saan tapos siya roon ng Chemical Biology.

Sa patuloy na maaasahang maiden PBA journey sa average na 28.0 points, 13.0 rebounds, 1.3 assists at 1.6 blocks ni James White, sasandal ang ­Mahindra kasanggaan sina Aldrech ­Ramos, Niño Canaleta, Paolo Taha, Irania­n import Iman Mashaddy at Pacquiao.

 Ayaw ng Aces ng magkasunod na taob samantalang triplets sa NLEX.

“We are facing a tough game specially with the way TNTK had been playing in their last three games,” sambit ni Road Warriors coach Boyet Fernandez.

“We have to limit the production of (Jayson) Castro, (Michael)  Madanly, (Moala) Tautuaa­, (Ranidel) De Ocampo, (Ryan) Reyes and (Mario) Little so that we can give ourselves a chance to beat TNTK. Our defense is our key to win” dagdag niya.