Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
12 noon — EAC vs. San Sebastian (srs)
2:00 p.m. — Lyceum vs. Perpetual (srs)
4:00 p.m. — St. Benilde vs. Arellano (srs)

Sumingasing sina Davon Potts at Robert Bolick para pasanin ang San Beda College sa 85-74 panalo kontra Mapua at itulak ang Red Lions sa seven-game winning streak kahapon sa 92nd NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.
Ngumasab si Fil-Am Potts ng 25 points kasama ang dalawang triple sa fourth quarter habang may kinanang 10 points, 12 rebounds at eight assists si Bolick para ilista ang 7-0 karta ng Red Lions at manatili sa tuktok ng team standings.
“They play crucial for us,” patungkol ni San Beda coach Jamike Jarin kina Potts at Bolick.
Dalawang key jumpers din ang binato ni Bolick sa home stretch.
Nasa pangalawang puwesto pa rin ang Cardinals sa 5-2 card, kasalo na nila ang Letran na 67-62 winner kontra JRU Heavy Bombers sa first game.
“We still have the second round. Then, after the second round, there is the playoffs. Let’s just keep getting better,” ani Jarin.
Bumira si reigning MVP Allwell Oraeme ng 21 points at 20 rebounds para sa Cardinals.
Umabot sa 20 puntos ang inabante ng Red Lions sa tulong nina Potts at Bolick pero pumalag ang Cardinals at naibaba ang hinahabol sa anim wala nang dalawang minuto sa orasan.
Dito na inangklahan nina Potts at Bolick ang San Beda.
Samantala, tumikada ng clutch baskets si Rey Nambatac para ilapit ang defending champion Letran sa liderato.
Nirehistro ni Letran main man Nambatac ang game-high 29 points kasama ang 15 sa fourth quarter habang bumakas si Bong Quinto ng 12 markers, four assists at three rebounds.