UNBREAKABLE!

Tinirahan ni player-coach Manny Pacquiao (17) ng Mahindra si RJ ­Jazul ng Alaska. Sa unang pagkakataon ngayong PBA Governors Cup, ­naglaro si Pacquiao at pinahaba pa ng Enforcers ang best-start sa pro league sa 4-0 nang biktimahin ang Aces, 101-95, sa Smart Araneta Coliseum­ kagabi. ­(Patrick Adalin)

Sa unang laro nga­yong season-ending PBA Governors Cup ni player-­coach at newly-elected Sen. Manny Pacquiao, humarurot sa pang-apat na sunod na panalo ang Mahindra nang makaahon pa mula sa second quarter 16-point down para lindulin ang Smart Araneta Coliseum kagabi sa bisa ng 101-95 pagbundol sa Alaska.

Inakala nang nakararami na blowout result na ang bakbakan sa Aces sa tinarak na 50-34 lead buhat sa split free throw ni Eric Menk 3:16 sa second period, pero may ibang plano ang Mahindra na hindi pa rin mabalian.

Sa unang sultada ay umahon din mula sa double-digit deficit ang TNT KaTropa para kumpletuhin ang 101-95 victory kontra NLEX.

Tuloy ang best-conference start ng two-year old expansion team Enforcers na wala pang bangas sa 4-0, nagsalo­ sila ng TNT sa tuktok ng season-ending tournament. Laglag ang Aces at Road Warriors sa eighth kasama ng Phoenix at Star sa 1-3.

Agaw-eksena si Keith Agovida nang kanain ang anim sa 11 points total niya sa payoff period kasama ang huling krusyal na apat sa last 2 minutes.

Layup ng 26-year-old 6-foot-2 guard-forward ang humatak sa 95-all sa final 1:50 sa game clock kasunod ang back-to-back baskets pa nila ni Michael Digregorio na naglayo sa Enforcers 99-95, 42.8 na lang bago ang last shot ni James White.

“Keith Agovida was my magic hugot tonight. His teammates are motivating him to attack.

Coming in to this conference, we just want to be extremely well prepared, have our skills honed for any kind of environment we’re gonna face,” bulalas ni Enforcers lead assistant coach Chris ­Gavina.

Minsang nakapukol­ na si Agovida ng 82 points nang siya’y Jose Rizal University Light Bomber pa lang sa 2008 NCAA juniors game. May 3 rebounds, 3 assists at steals, at block pa siya sa 16-minute job.

“Our guys were purely resilient tonight. We came out timid we played at their pace which is kinda’ frantic. Our guys res­ponded tremendously,” hirit ni Gavina.

Tumagal sa loob si Pacquiao ng 2:59 sa second period at hindi naipasok ang nag-iisang attempt sa unang laro niya sapul noong Oktubre.

Nagkamada ng 32 at 15 si White, may 14 si Aldrech Ramos at 13 pa si Niño Canaleta para sa Mahindra.

Pinangunahan ng 33 at 15 ni LeDontae Henton at 21 markers ni Calvin Abueva ang Aces.