Tinutulan ng United Nations Children’s Emergency Fund (UNICEF) ang plano ng mga mambabatas sa bansa na babaan ang edad ng mga kabataan na sasampahan ng kaso na nasasangkot sa krimen.

Base sa pahayag ng UNICEF, lumabas sa pag-aaral ng mga neurobiology na nagiging mature lamang ang mga kabataan pagdating ng 16-anyos at ang mga ito ay madaling maimpluwensyahan ng mga nakakasalamuha nila sa kapaligiran.

Sinabi ng UNICEF na maaring magkakaroon ng pang-matagalang epekto sa kanilang overall development ang planong pagsampa ng kaso sa mga menor-de-edad sa edad pa lamang na 15.

Matatandaang iniakda ni incoming House Speaker Pantaleon Alvarez at Capiz Representative Fredenil Castro na babaan ang criminal liability ng menor-de-edad sa 15 anyos.