It may come as a ­surprise pero wala palang data at communication linkages ang iba’t ibang government agencies na may papel na ginagampanan para sa overseas Filipino workers.

Ang admission ng kawalan ng data inter-connectivity ng government agencies ay ginawa ni OWWA-Davao ­Regional Director Eduardo ­Bellido sa isang reintegration forum sa nasabing siyudad. Aniya, kailangan na magkaroon ng unified data base ang mga agencies.

Although hindi ­tinukoy ni Director Bellido, it may be assumed na ang mga agencies na ito ay ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA), OWWA, Department of Labor, migrant workers’ office ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Commission on Overseas Filipinos.

Complete info

Ang ilan lang sa mga impormasyon na dapat daw ay nasa data base ay ang complete education at employment details ng OFWs, ang kanilang skills set at ang present status whether employed, in-between jobs, locally employed, acting as an entrepreneur, etc.

Para sa atin, makakatulong ang nasabing data base sa job matching ­whether sa abroad or locally dahil maiko-cross match ang job ­vacancies sa labor pool.

Pero hindi lang ito applicable sa OFWs, maganda rin kung magkakaroon ng data base para sa lahat ng mga manggagawang Filipino para madali ang labor job-matching.

Moot and academic

In the case of OFWs, ang pagkakaroon ng unified data ng iba’t ibang government agencies na may papel sa OFWs ay magiging moot and academic na oras na matayo ang isang Department of OFW Affairs.

Hindi na kasi kaila­ngang ikalat pa sa iba’t ibang ahensiya ang management ng OFW affairs dahil hawak na ito lahat ng pinaplanong OFW Department.

Sa kasalukuyan ang OFW concerns ay ­hawak ng DOLE at line agencies nitong POEA at OWWA at meron naman na sa DFA at kung saan-saan pa.

Job-matching

Maganda ang ipinun­to ni Bellido na hindi ­lahat ng OFWs na tapos na ang working years sa abroad ay pwede maging ­negosyante. May mga tao raw na hindi talaga cut na maging entrepreneur at mas mabuting ihanap na lang ng local employment.

In this line, maganda talaga na unified ang lahat ng workers’ database sa Pilipinas for easy job-matching.

***

Come follow me on Twitter @beeslist or call 551-5163 or email usapang_ofw@yahoo.com for your questions and comments.