tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Para sa diva that you love, wala sa hulog at wala sa katwiran ang pagmumura ni universal starlet Chai Fonacier sa pahayagan naming Abante Tonite.

Hindi ko na uulitin pa ang kanyang mga maanghang na panana­lita dahil kahit saan anggulo tignan, wala pa siyang pribelihiyong magmaganda, magmaldita at magmaasim. Nakadaupang palad at nakatsikahan ko na siya dati, she seem to be an intelligent woman. Matapos ang kanyang pangmalakasang pag-aaglahi sa amin, alam ko na ngayon na may superiority complex ang hitad.

Universal starlet, walang mali na tinuring na “dating beki” ang nanalong pinakamahusay na aktres na si Iyah Mina. Bago siya naging “she,” hindi puwedeng ikaila na she was biologically a “he.”
Ang transgender woman, hindi pa ope­rada, intact pa ang kanyang male reproductive organs. Yes, because of medication, nagta-transform pa ang katawan niya sa pagiging “she” at sana rin as this transformation happens, emotionally healthy at may proper counseling ang kahit na sinumang transgender woman lalo na kung ang pangarap niya ay maging transwoman.

Ang transwoman, babae na talaga, tinanggal na ang kanyang male reproductive organs at bago gawin ito dapat psychologically mature na siya at ang representation at buong being niya, alam niyang babae siya.

Hindi puwedeng hindi maging kontrobersiyal ang pagkapanalo ni Iyah dahil kasaysayan ang kanyang nilikha at inuukit dahil siya ang kauna-unahang transgender woman­ na tinanghal na pinakamahusay na aktres. Hindi ba ang Ms. Spain na isang transwoman, kontrobersya rin ang dala ngayong kasali na siya sa Ms. Universe?

Ang aming patnugot, ‘yun ang punto de vista. Hindi ba katanggap-tanggap na iba-iba talaga ang punto de vista natin sa lahat ng bagay. We are in democracy. May kaniya-kaniya tayong mga opinyon pero hindi ka karespe-respeto at hindi tama ang iyong ginawa na murahin ang isang pahayagan dahil nga sa iyong palagay, pinaka-superior ang opinyon mo.

Sa mga sinabi mong ito, ang diva that you love ay most offended, “Ito talaga yung di ko maintindihan sa tabloid press: kay dami dami ninyong member ng LGBTQ + Community, pero halos wala kayong inaambag. Di ko maintindihan kung ba’t kayo counterproductive. Where the hell do you really stand?”

Universal starlet, kung talagang tagasubaybay ka namin, malalaman mo na ang Abante Tonite is a very progressive at cosmopolitan tabloid.

Sa column ko, laging may magagandang ibinabalita tungkol sa Pink Community. May pamumuna, may pamimitik at siyempre pa, may pagpuri rin.

Sana naman, binasa mo lang kung ano ang isunulat ko tungkol sa panalo ni Iyah bago ka nagmura. Wala kang karapatang na parata­ngan na kaming mga manunulat na mga bakla ay walang “progreso” dahil sa araw-araw, ang struggle namin sa aming sexual preference at orientation ay for real.

At hindi mo kami puwedeng i-generalize na walang pakialam sa mga concern at issue ng aming ka-federacion at ka-komunidad dahil ang pahayagan namin, laging bukas ang aming mga pitak para sa sang­kabaklaan.

Hindi kita minura, universal starlet, dahil alam ko na hindi ka kumikilos ayon sa iyong ganda dahil ang kagaspangang mong ito ay isang buhay na patotoo, na hindi ka talaga maganda, panlabas man, lalo na sa panloob.

My goh! Bakit ko naman ibaba ang level ko sa isang babaeng pala­mura na alam mong forever is not enough siya sa pagiging universal starlet?