Pinatay kahapon ng madaling-araw ng mga hinihinalang gun-for-hire ang university president sa Cagayan de Oro City sa Northern Mindanao.
Ayon sa pulisya, papasok na sana sa kanyang bahay ang 48-anyos na si Ricardo Rotoras nang pagbabarilin sa Golden Glow North Subdivision sa Barangay Carmen.
Si Rotoras ang president ng University of Science and Technology of Southern Philippines at kilalang mabait na tao at resĀpetado sa Cagayan de Oro.
Galing umano sa isang Christmas party si Rotoras nang ito ay todasin ng mga salarin.
Agad rin umanong tumakas ang mga kriminal na sinundo pa ng isang itim na pickup truck.
Isinugod pa sa pagamutan si Rotoras, ngunit dead-on-arrival na ito.
Nabawi naman sa lugar ang mga basyong bala ng kalibre .45 pistola na siyang kumitil sa buhay ng biktima.
Hindi pa mabatid ng pulisya ang motibo sa krimen, ngunit patuloy naman ang kanilang imbestigasyon.
Samantala, isang special investigation task group ang binuo para tututukan ang kaso.