Umapela ang isang mambabatas sa Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) na ipatupad na ang 20% discount sa pamasahe ng mga estud­yante kahit bakasyon o semestral break ng mga ito.

Ayon kay Kabayan Party-list Rep. Ron Salo, hindi na kailangan pang hintayin ng LTFRB ang Implementing Rules and Regu­lations ng Student Fare Discount Act dahil ang probisyon sa diskuwento ay nakalatag na sa LTFRB Memorandum Circular 2017-24 pero binabalewala umano ito ng mga pampasaherong sasakyan.

Sinabi ni Salon na komprehensibo ang naturang batas at saklaw nito ang iba’t ibang uri ng transportasyon (land, sea, air at rail).

Makikinabang aniya rito ang mga estud­yante mula sa basic hanggang tertiary education.