Mga laro ngayon Smart-Araneta Coliseum
2:00 p.m. — FEU vs. Adamson
4:00 p.m. — Ateneo vs. NU
Pinana ng De La Salle Green Archers ang 89-71 panalo laban sa University of the Philippines Fighting Maroons kahapon para masolo ang liderato ng Season LXXIX UAAP men’s basketball tournament sa Smart-Araneta Coliseum.
Muling ipinakita ni big man Ben Mbala ang dominasyon sa loob ng court, hindi nagpaawat nang irehistro ang 30 points sa 12-of-15 shooting sa field na may 14 rebounds pa at nilista ng title favorite Green Archers ang 2-0 win-loss record.
Bumakas sina Abu Tratter at Jeron Teng ng tig-12 puntos para sa Taft-based squad, may 11 points si Jollo Go.
Problema lang ni head coach Aldin Ayo ang maraming posesyon na pinamigay ng Archers.
“We still had 26 turnovers,” punto ni Ayo.
Tangan ng La Salle ang siyam na puntos na bentahe sa halftime, 43-34, bago humarurot nang todo sa third tungo sa 76-52 lead papasok ng fourth quarter.
Naglagak si Paul Desiderio ng 21 points, may 13 si Jett Manuel para sa Fighting Maroons (2-0).
Nalusutan naman ng host University of Sto. Tomas Growling Tigers ang University of the East Red Warriors sa manipis na 88-87 panalo para ilista ang unang ‘W’ sa dalawang laro.
Kasalo ng Red Warriors ang Fighting Maroons sa ilalim ng team standings sa 0-2.