Sa loob ng mahigit tatlong buwang panunungkulan ay may ilang pagbabago nang naramdaman ang publiko.

Hindi lamang sa lagay ng ating seguridad kundi maging sa iniaangal­ na mabagal na pagproseso ng mga dokumento sa ilang tanggapan at ahensya ng gobyerno na talagang nagdudulot ng matinding perwisyo sa ating mga kababayan.

Kaya naman marami ang natuwa nang makaramdam ng ibayong ginhawa sa ginawang pagpoproseso ng kanilang mga kinakailangang dokumento kagaya ng pagkuha ng birth certificate sa National­ Statistics­ Office (NSO) at pagkuha ng driver’s license sa Land ­Transportation Office (LTO).

Hindi na nahirapan ang ilan nating kababayang nakipagtran­saksyon sa nasabing mga ahensya ng ating gobyerno.

Pero hindi nagtatapos sa NSO at LTO ang mas pinabilis na pagproseso ng mga dokumento dahil iniutos na rin ni Pangulong Rodrigo­ Duterte ang mas pinaiksing araw na proseso sa ilang tanggapan ng gobyerno kabilang ang Bureau of Customs (BOC), Department of Trade and Industry (DTI) at ­Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sa BOC ay tatlong araw na lamang ang ipatutupad na pagproseso,­ sa BIR ay 10-araw at dalawang araw sa DTI.

Ibig sabihin magiging madali­ na ang paglalakad ng mga kinakailangan sa nasabing mga tanggapan ng ating gobyerno.

Dahil mas pinaiksing araw na ay malaking tulong ito sa mga kababayan nating makikipagtransaksyon.

Bawas gastos na ay marami­ pang magagawang mga bagay na maghahatid ng ginhawa sa pang-araw-araw na buhay ng ating mga kababayan at resulta nito ay isang maunlad na ekonomiya ng ating bansa.

4 Responses

  1. yan ang sinasabi ko kay agot, d bale ng pschopath at least me aksyon. e c noynoy abnoy psychopath din yun e pero ano ba ginawa niya, inuna ang ribbon cutting ng mitsubishi plant sa laguna, at vineto ang SSS pension hike at salary ng mga nurses