Naghahagilap sa fundraising ang Unibersidad ng Pilipinas ng halagang P250,000 nitong Linggo para ipambili ng drum set ng UP Pep Squad.

Jurassic o sobrang luma na ang nasabing kagamitan ng State U kaya nais na nilang palitan.

“@sonnyangara @SenGracePOE #dickgordon #franklindrilon Kaya naman siguro ninyo 250k Mula sa mga pork barrels niyo?” tweet ni Katrina sa @kakeycious bilang tugon kay Janno From The Block @jannomaala noong Linggo.

Unang post ni @jannomaala sa kanya ring Twitter account ang, “Hello mga Iskolar! Some UP Alumni just launched this mor­ning a donation drive to replace the worn out old drum set of the UP Pep squad. We need to raise 250k. Let’s pull this off & be a part of every drumbeat that pushes the team to FIGHT ON!”

Nais ng komunidad sa Peyups na maka­bili agad ng natu­rang kagamitan para magamit sa pagtsi-cheer ng pep squad sa Fighting Maroons na 0-1 iwan sa race-to-2 win kontra Ateneo de Manila University sa 81st University Athletic Association of the Philippines 2018 men’s basketball tournament finals, na bukas na ang Game 2 umpisa sa alas-3:30 ng hapon sa Big Dome, Quezon City.

Sa pahayag ni Maala kahapon: Good morning! As of 12/3 8:58am Total pledged: 422,717.00
Total deposited: 280,467.00. I’m so excited that @UPPepSquad Drummers will get their new set!!!! Weee!!!!
Ang bilis, maka­kabili na ng bagong mga tambol at iba pang kailangan ang Diliman-based pep squad.

Nakatutuwa, ‘di po ba? Biruin ninyo isang araw lang ang pagitan nakalikom na sila ng malaking halaga. Patunay lang na sa pagtutulungan at pagkakaisa, ang isang problema na maliit o malaki man, nalulutas ura-urada.
***
Huli man daw at magaling (huli pa rin!), este naihahabol pa rin.

Kaya gusto ko pong batiin pa rin ang mga kasamahan ko sa Prage Management Servi­ces, naglalathala ng Abante at Abante TONITE, ng ‘belated happy birthday’ sa mga nagdiwang ng kanilang mga kaaarawan sa buwan ng Nobyembre:
Dennis Mahusay (Nob. 1), Marlon Santiago (15), Boyet E. Jadulco (16), Willy A. Alas (21), Peejames E. Pedrezeula (27) at Allan M Ibañez (29).
Cheers!