UP prof naipit sa China lockdown

Dalawang Pinay ang nakaeskapo sa Wuhan, China, ilang oras bago ianunsiyo ng mga awtoridad ang lockdown sa lugar upang masawata ang pagkalat ng kinatatakutan at nakamamatay na 2019 novel coronavirus habang pinili naman ng isang University of the Philippines (UP) professor na magpaiwan upang para sumunod sa safety precaution at hindi na maging sanhi pa ng pagkalat ng virus dito sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ng dalawang Pinay na nagpakilala lamang na Bhie at Cindy na nang malaman nila na magkakaroon ng lockdown ng alas-10:00 nang umaga sa lahat ng airports, train stations, subway, buses, ferries ay agad silang nagpa-book ng sasakyan at umeskapo sa Wuhan ng hatinggabi.

Anila, mas ligtas na ngayon dahil malayo na sila sa Wuhan na kasalukuyang naka-lockdown sa lahat ng uri ng transportasyon.

Ang dalawang Pinay ay pansamantalang huminto sa Hong Kong bago umano sila lilipad patungong Pilipinas, at pagdating sa Maynila ay handa naman umano silang sumailalim sa medical examination kung kakailanganin ay magpa-quarantine.

Samantala, sa kabila ng pagtakas ng dalawang Pinay, pinili naman ng professor ng University of the Philippines na si Jan Robert Go na manatili sa Wuhan upang maiwasan na ikalat o magkalat pa siya ng virus sa Pilipinas.

“Because I’m coming from Wuhan, I don’t want to be the carrier of anything. As far as I know, I don’t have the virus with me. Pero, si­yempre for safety, para hindi na lang din magkaroon ng worries or o­ther concerns,” ayon kay Go.

Aniya, nagtutulungan ang mga Chinese sa Wuhan na pakalmahin ang bawat isa sa paniwalang bubuti ang sitwasyon sa mga darating na araw.

“The people, at least talking to my Chinese friends, what they’re talking about mainly is, they’re trying to encourage people, that this will be fine, and we will be able to overcome this particular issue,” sabi pa ni Go sa isang interview.

“Most establishments are closed right now, maybe partly because of the Lunar New Year this weekend but also as part of, probably, the safety precautions for the virus,” dagdag pa ng UP professor.

Nabatid na si Jan Robert R. Go ay Assistant Professor ng Department of Political Science, College of Social Sciences and Philosophy sa UP Diliman. (Dolly Cabreza)