Nasa merkado na sa loob ng 2 hanggang tatlong linggo ang lokal na CO­VID-19 test kits na ginawa ng mga scientist sa University of the Philippines(UP).

Nabatid na ang UP COVID-19 test kits ay isasailalim muna sa field validation .

“If the results of the validation is deemed acceptable to valuators then we’re ready to roll. Two to three weeks from now,” ayon lay Raul Destura, deputy director ng University of the Philippines’ Philippine Genome Center.

Nabatid na una nang nag isyu ang Food and Drug Administration (FDA) ng certificate of exemption sa test kit.

Ito umano ay pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST), para sa field testing dahil nabrinbsa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa sandalig naging maayos anf resulta ng test kit maari na itong i apply para sa certificate of product registration para maipamahagi na sa bansa.

“I am not for the mass testing unless a formal economic modeling study is done that says it’s beneficial,” ayon pa kay Destura.

Sa ngayon dahil limitado lamang ang resources magkakaroon lamang ng target testing o iyon lamang pinaghihinalaan na kinapitan ng virus ang iti-test.

Kinakailangan na mayroon umanong sintomas para hjndi masayang at magkaroon ng isyu sa mass testing. (Juliet de Loza-Cudia)