POSIBLE nang matuloy ang unification bout nina World Boxing Association (WBA) welterweight kingpin Manny Pacquiao at World Boxing Organization (WBO) 147-pound titlist Terrence Crawford.

Ayon ito kay Top Rank Promotions top honcho Bob Arum.

“Real possibility,” tipid na tugon ng 88-anyos na boxing promoter nang matanong kaugnay sa matagal nang nilulutong upakan nina Pacquiao, 41, at Crawford, 32-anyos.

Si Arum ang promoter ni Crawford habang adviser naman ni Pacquiao si Al Haymon.

Nagsama sina Arum at Haymon sa ‘Wilder-Fury 2’ fight, isang huge pay per view event na pinagwagian ni Fury kaya hindi umano imposible na magsama ulit ang dalawa sa bakbakang Pacquiao at Crawford.

“We worked seamlessly with his staff,” wika ni Arum patungkol kay Haymon.

“They were good, smart guys and women, and they worked well with us. They were a real team.”

Galing si Pacquiao sa split decision win kontra Keith Thurman noong July 20, 2019 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada. (Ferdz Delos Santos)