Hinamon ng isang mambabatas si Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko na ang kanyang ‘updated’ na listahan ng mga taong sangkot umano sa ilegal na droga sa bansa.
Ayon kay Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin, noong nakaraang taon pa ang drug list ni Duterte subalit wala pang ideya ang mga Filipino kung sinu-sino ang nasa kanyang listhan na sangkot sa ilegal na droga maliban sa ilang indibiduwal na kanyang pinangalanan tulad ng mga napatay na sina Ozamis City Mayor Reynaldo Parajinog at Albuera, Leyte Mayor Ronaldo Espinosa.
“May updated list naghuhulaan pa rin kung sino-sino nasa listahan. The list should be made public,” ani Villarin.
Ang updated na listahan ay ibinida ni Duterte sa mga kinatawan ng mga mining companies sa Palasyo ng Malacañang makalawa.
“Kung raw information na naman ito, the public will again be taken for a ride,” ayon pa kay Villarin.