
Mga laro ngayon (MOA Arena)
3:00 p.m. — Phoenix vs. Alaska
5:15 p.m. — SMB vs. RoS
Nakaiwas ang Ginebra sa upset axe ng Mahindra nang kumapit sa dulo para ipreserba ang 93-86 win kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Itinagay ng Gin Kings ang pam-pitong panalo sa siyam na laro para lumapit sa twice-to-beat advantage pagkatapos ng 11-game eliminations ng PBA Governors’ Cup. Natengga sa 6-4 ang giant killer Enforcer, kabilang sa nasilat ang mga bigating San Miguel Beer, Star at Alaska.
“It wasn’t pretty, that’s for sure. We probably played our most disjointed play of the conference,” pakli ni Gins coach Tim Cone. “Mahindra kept us off-balanced all night.”
Tumabo si Justin Brownlee ng 27 points at 17 rebounds may 19 si Japeth Aguilar at 12 at 11 boards pa kay Scottie Thompson para sa Gins.
Sa unang laro ngayong season-ending conference ay naglista si Greg Slaughter ng seven points pero 10:07 sa fourth habang lamang ang Ginebra, 68-62, ay napasama ng bagsak at mukhang lumagutok muli ang kanang paa. Galing sa right ankle surgery noong May si Slaughter.
“That kid there, coach (Chris) Gavina, is really a good coach. He coaches really well,” papuri ni Cone sa chief assistant ni Manny Pacquiao na nagtimon sa Enforcer.
Sa unang laro, pinigil ng NLEX Road Warriors ang GlobalPort, 114-98, sa likod ng 35 points at 13 rebounds ni Henry Walker at 11-11 ni Asi Taulava. Tumapos ng career-high 25 points si Garvo Lanete sa NLEX.
Ayon kay Road Warriors coach Boyet Fernandez, susi sa panalo ang pagpigil nila sa Big 3 ng Batang Pier na sina import Michael Glover at guards Terrence Romeo at Stanley Pringle kahit may dambuhala pa ring produksiyon na 21, 26 at 27 points.
Sa 5-5 ay nakibuhol ang NLEX sa Meralco sa 5th-6th at lumakas ang tsansa sa quarterfinals. Sadsad ang GlobalPort sa 3-7 sa 10th spot at nememeligrong mapagsarhan sa top eight na uusad.