Ikinabahala ni Senator Antonio Trillanes IV ang diumano’y maano­malyang kontratang pinasok ng ­United States-based power company sa bansa na dahilan aniya ng sunod-sunod na pagsirit ng presyo ng elektrisidad at unstable power supply sa Catanduanes, Mindoro at Palawan.

Sa Senate Resolution No. 972 na isinumite ni Trillanes, hinihimok nito ang Senate committee on energy na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa kasunduang pinirmahan ng Power One Corporation at project companies at affiliates nito na hinihinalang mitsa ng unstable power supply at charging of bloated power rates at undue payments ng electric cooperatives sa nasabing mga probinsya.

Inakusahan din ni Trillanes ang Power One Corporation na naki­pagsabwatan din umano ito sa ilang kawani ng National Power Corporation (NPC), Energy Regulatory Commission (ERC) at mga local government official.

Aniya, may mga persistent report itong natatanggap ukol sa sabwatan ng mga nabanggit na ahensiya upang maisakatuparan ang anomalous practices sa mga probinsya.

Iginiit ni Trillanes ang masusing imbestigasyon dahil marami aniyang Pilipino ang naapektuhan ng hinihinalang anomalya.

“All Filipinos are greatly affected by these anomalous practices because all of us are paying for the universal charge,” sabi ni Trillanes. (Anne ­Lorraine Gamo)